Ang pagsuko sa Allah ay ang diwa ng Islam, tulad ng pag-uutos ng Bilbliya na: “Isuko ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos” James (4:7)
Ang Islam ay nagtuturo sa atin na mamuhay ng mapayapa at magkaroon ng magandang relasyon sa Diyos, sarili at sa iba
Sinabi ng Propeta Muhammad: “Ang pinaka mainam sainyo ay yaong pinaka mainam sa kanilang mga kababaihan”
Ang Islam ay nagtutungo sa tunay na katotohanan at tagumpay, katiwasayan ng isip, ganap na kasiyahan, kaligtasan at buhay na walang hanggan
Ang Islam ay gumagabay sa atin na huwag saktan, magalit, lumabag, ibaba, kamuhian ang iba
Ang Allah ay walang pangangailangan sa kaninoman tulad ng nanay, asawa, anak; o tulad ng pagkain, inumin o tulong ngunit sila ang may pangangailangan sakanya
Ang Islam ay ang tunay na relihiyon ni Adan at Eba at kanilang mga anak hanggang sa katapusan ng mundong ito.
‘Tawheed’ (Kaisahan at pagsuko) sa nag-iisang tunay na Diyos(Allah) ay ang diwa ng mensahe ng Islam.
Ang ilan sa mga katangian ng Islam: Kaliwanagan patungkol sa pagkalikha ng sanlibutan at kadalisayan ng konsepto ng nag-iisang tunay na Diyos(Allah)